Monday, October 4, 2010

Sometimes Love Just Ain't Enough (Tagalog)

Ayoko nang umasa
Ayoko nang lumuha
Ayoko nang muling masaktak pa.

Nangangamba ang puso
Baka masaktan lang ako
Dahil ang puso mo'y mapaglaro

Wala na sanang katapusan
Pag-ibig na sinimulan
Ang gusto ko sana'y walang lokohan
Dahil puso'y labis na nasaktan

Nang magmahal ang puso sa isang tulad mo
Akala ko nung una'y laro lang lahat ng ito
Pero nung huli na'y nalaman ko mahal mo ako
Baby sana lahat ng ito'y totoo.

Ngayon ay aalis ka
Ako ay may pangamba
Baka may makilala kang iba

Ako ay malimutan
Puso;y masugatan
Dahil bigla mo akong iiwan

Wala na sanang problema
Sa pag-ibig nating dalawa
Ang gusto ko ay walang lokohan
Pero bakit bigla mong iniwan?

Nang magmahal ang puso sa isang tulad mo
Akala ko nung una'y totoo lahat ng ito
Pero nung huli na'y nalaman kong iiwan mo
Baby sana panaginip lamang 'to

At sana naman
Maligaya ka kung nasan ka man
Dahil nandito lang lagi ako
Naghihintay umaasa sa'yo
Umaasang muling iibigin mo.

Nang magmahal ang puso sa isang tulad mo
Akala ko nung una'y totoo lahat ng ito
Pero nung huli na nalaman kong iiwan mo
Baby sana Panaginip lamang 'to..ohhh

Baby sana.....ahhh Hindi totoo.....


http://www.youtube.com/watch?v=cBJsjAYKU3s

No comments:

Post a Comment